Science Says (Knowledge Channel)
Paano ba nabubuo ang ulan? Bakit non-biodegradable ang plastic? Posible bang mapagalaw ang lupa? “Science Says” is a new science education series that explains the science behind these everyday questions. Each episode features an easy-to-do science experiment that viewers can do at home or at school. Now showing everyday on Knowledge Channel and streaming on YouTube.
Together, we learn about the sciences, dito lang sa Science Says.
Science Says | Polymer
Kapag ang plastic bag na puno ng tubig ay tinusok ng lapis, ano kaya ang mangyayari rito? Today, Science says Polymer! Ang plastic ay isang polymer. Ang plastic na ginamit sa experiment ay gawa sa carbon-carbon bonds. Ang molecular bonds ng plastic ang dahilan kung bakit hindi mabilis nasira ito noong tinusok ng lapis.
Science Says | Capillary Action
Paano nga ba naa-absorb ng mga halaman ang tubig kapag dinidiligan natin ito? Today, science says Capillary Action. Katulad ng pag-akyat ng may kulay na tubig sa tangkay hanggang sa petals ng bulaklak, capillary action din ang dahilan kaya nakakaakyat ang sustansya mula sa lupa papunta sa iba't-ibang parte ng halaman.
Science Says | Compressive Strength
Ano ba ang epekto ng hugis sa tibay ng isang bagay? Today, Science says Compressive Strength. Ang Triangular prism at Rectangular prism ay may mga tuping nagiging point of stress. Naipon sa mga tupi ang bigat ng mga libro kaya mas madaling bumigay ang mga ito. Habang ang circular prism o cylinder ay nanatiling nakatayo dahil pantay pantay ang pagkakabahagi ng bigat dito. Compressive strength ang isa sa mga tinitignan ng mga engineers kapag nagdidisenyo sila ng mga buildings.
Science Says | Teaser
Contact
If you share Reina’s passion and love for science and want to connect, feel free to reach out on Facebook or email!
Facebook Page: www.facebook.com/reinabelle
Email: pinayobserver@gmail.com